Home NATIONWIDE Manila Bay reclamation projects pinaiimbestigahan sa Kamara

Manila Bay reclamation projects pinaiimbestigahan sa Kamara

MANILA, Philippines – Ipinanawagan sa Kamara na imbestigahan na ang reclamation projects sa Manila Bay kasunod ng pagkakaaresto sa siyam na Chinese nationals na naaresto ahil sa illegal na pagtatrabaho sa mga barkong sangkot dredging.

Ayon kay ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo, dapat na itong pag-usapan sa Kamara lalo na’t halos isang taon na rin nang maihain niya ang resolusyon na humihikayat sa naturang imbestigasyon.

“Ito ‘yung sinasabi ko noon na bumababa ng barko nila ang mga manggagawa na Chinese at umiikot dito sa Metro Manila. Ang tanong ngayon, ano ang pakay nila para gumala sila sa Maynila gayong wala silang mga visa?” tanong ni Tulfo.

“The US Embassy was the first to express concern about the Manila Bay reclamation after they noted a Chinese company involved in the reclamation project,” dagdag pa niya.

Noong Hulyo 2, naaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang siyam na lalaking Chinese na nahuling bumaba mula sa tatlong motorboats sa dalampasigan ng Manila Bay sa Parañaque City.

Ayon kay Immigration intelligence division chief Fortunato Manahan Jr., ilang buwan nila itong isinailalim sa surveillance kasunod ng sumbong na sumasakay at bumababa sa mga barko sa Manila Bay ang mga Chinese national. RNT/JGC