Home METRO 2 HVI tiklo sa P1.2M shabu

2 HVI tiklo sa P1.2M shabu

MANILA, Philippines- Nalambat ang dalawang high-value individuals (HVIs) sa illegal drugs sa isang buy-bust operation sa Barangay Mayamot, Antipolo City nitong Martes, ayon sa Rizal Police Provincial Office (Rizal PPO).

Kinilala ni Rizal PPO director Col. Felipe Maraggun ang mga suspek na sina “Ry” at “Urqia.” Si Ry ay residente ng Quezon City habang si Urqia ay mula sa Antipolo City.

Ayon sa mga pulis, ang dalawa ay kilalang drug personalities na hindi lamang sa Rizal nagsasagawa ng operasyon kundi sa maraming lugar sa Metro Manila.

Batay sa police report, narekober ng Antipolo City Police at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang P1,224,000 halaga ng shabu mula sa mga suspek maging isang .40 caliber Taurus pistol na may kargang live ammunition.

Nahaharap ang dalawa sa illegal drugs at illegal firearm charges. RNT/SA