Home ENTERTAINMENT Ai Ai, inudyukan na maging consultant ng mga kinakaliwa!

Ai Ai, inudyukan na maging consultant ng mga kinakaliwa!

Manila, Philippines – Kinumbinse ni OWWA Admistrator Arnell Ignacio ang best friend niya na si Comedy Queen Ai Ai delas Alas na magtayo ng sarili niyang partylist.

Base na rin sa personal na buhay ni Ai Ai especially sa kanyang mga karanasan sa pakikipagrelasyon ang nag-udyok kay Arnell na hikayatin ang kanyang kaibigang komedyana.

Ayon kay Arnell, “Oo, tinawagan ko siya kagabi. Hoy, huwag ka ng umiyak. Nakakahiya na. Hahaha!

“Kako ano ka na nga, global consultant ka na nga ng mga kinakaliwa. Hahaha!

“Sabi ko, kako ang magagawa mo, magpa-workshop ka na. Magturo ka na kung paano hina-handle ng mga kinakaliwa. Hahaha!

“And kako, magtayo ka ng partlist mo, Ai Ai, Asawang Inaapi Asawang Iniiwan.

“Hindi, actually, mas seryoso ako doon sa, there’s so many women that will gravitate towards you.

“Kasi nga ang experience ni Ai Ai susmaryosep! All colors of the rainbow. Talagang alam ng lahat na yan.

“Pero ang daming makikinig sa kanya. Sa dami ng pinagdaanan niya nakatindig pa rin.

“Sabi ko sa kanya, ‘Aileen, yan ang magpa-presscon ka. Yan ang susunod mo na ano, master class.”

Anyway, back to concert scene si Arnell after ng walong taong hiatus nya sa showbusiness dahil sa kanyang todo-serbisyo sa gobyerno.

Magpe-perform si Arnell sa post-Valentine dinner concert titled “Timeless….Music & Laughter “ sa Century Park Hotel on February 15, Saturday, 6 pm.

Ka-back-to-back ni Arnell sa konsyertong ito ay ang Fifth Generation ng The New Minstrels sa pangununa nina Atty. Rene Puno, Alynna at Chad Borja.

Other performers are Fumi, Bernie Batin, Leo Bruno, Janna Trias, and Christi ensuring a night filled with variety and entertainment. Julie Bonifacio