MANILA, Philippines – Nasa mahigit P1 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa dalawang big time tulak na kapwa nasa listahan ng High Value Individual (HVI) sa isinagawang buy bust operation sa Dasmarinas City, Cavite kamakalawa ng gabi.
Ayon sa report, kinilala ang dalawang inaresto na sina alyas Arturo at Boss, kapwa HVI, na nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (26) at 11 Article II ng RA 9165.
Batay sa ulat, bandang alas-11:30 kamakalawa ng gabi nang nagsagawa ng buy bust operation ang Cavite Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) sa Ilang-ilang Street, Brgy. Datu Esmael, DasmariƱas City, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.
Narekober mula sa mga ito ang tinatayng 202 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P1,736,000.00 at buy bust money. MARGIE BAUTISTA.