Home METRO 2 isinelda sa pangmomolestiya sa N. Ecija

2 isinelda sa pangmomolestiya sa N. Ecija

MANILA, Philippines-  Kulungan ang hinantungan ng dalawang indibidwal makaraang masangkot sa magkahiwalay na reklamo ng pang-aabuso sa magkahiwalay na lugar, sa  lalawigan ng Nueva Ecija nitong Lunes.

Sa bayan ng Cabiao, ganap na alas-5: ng hapon nang arestuhin ang suspek na si Angelo De Leon y Ortiz Luis, 33, binata, magsasaka, residente ng  Sitio St. Joseph, Barangay San Fernando Sur, Cabiao.

Sa bisa ng isinilbing arrest warrant ay tuluyang  nasakote ang suspek ng pinagsanib na operatiba ng kapulisan sa pangunguna ng Cabiao municipal police station, sa umano’y kasong  Acts of Lasciviousness, sa ilalim ng Article 336 ng Revised Penal Code (RPC), kaugnay ng Section 5(b) ng Republic Act 7610, inamyendahan ng RA 11648, sa ilalim ng criminal case   number 3635-M-2024, inisyu sa Third Judicial Region, Branch 79, Malolos City, Bulacan, may petsang Hulyo 15, 2024 at may kaukulang piyansa na P200,000.

Samantala, sa lungsod ng Gapan, dakong alas-7:20 ng gabi nang arestuhin ng pinagsanib na operatiba ng Gapan City Police Station, kasama ang San Lorenzo Ruiz MPS Camarines Norte, 1st PMFC 4th Maneuver Platoon at Regional Mobile Force Batallion 3, 303rd Maneuver Company, gamit ang Alternative Recording Device,  ang isang nagngangalang Mark Kevin Ruz y Bueno, 28, binata, helper at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. San Nicolas sa Gapan City.

Si Ruz ay inaresto matapos na ipalabas ng korte ang isyung warrant laban sa suspek, sa reklamong Acts of Lasciviousness ng R.A. 7610 ng RPC Art. 336, may Criminal Case Number   21528 sa  Family Court, Fifth Judicial Region, Branch 5, Daet Camarines Norte, may petsang Pebrero 7, 2022 at may kaukukang piyansa na P108,000.

Kapwa nasa kustodiya na ng mga nabatid na istasyon ng pulisya ang mga suspek. Elsa Navallo