MANILA, Philippines – Masusing iniimbestigahan ngayon ng Manila Police District (MPD) ang pagkamatay ng dalawang Japanese nationals na binaril sa Malate noong Biyernes.
Ayon sa pulisya, binaril ang mga biktima sa kahabaan ng Malvar Street sa Malate, Maynila ng riding in tandem.
Nangyari ang pamamaril sandali lamang matapos bumaba ang dalawang biktima mula sa isang taxi.
Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek.
Sinabi ng ilang nakakita sa lugar na napakabilis ng pangyayari kung saan ang mga tao ay nagtakbuhan nang makarinig ng putok ng baril.
Posible umanong panghoholdap ang motibo ng pamamaril dahil mayroon umanong bag na hinila ng mga suspek at kinapkapan pa ang mga biktima.
Nagpapatuloy ang follow-up operation ng pulisya at bumuo na ng Special Investigation Task Group (SITG) na tututok sa kaso.
Kinumpirma rin ng MPD na mayroon na silang persons of interest kaugnay sa pamamaril, Jocelyn Tabangcura-Domenden