Home METRO 2 komunistang lola sumuko

2 komunistang lola sumuko

Bulacan- Boluntaryong sumuko ang dalawang matandang babaeng umano’y dating mga rebeldeng komunista sa kampo ng mga pulis sa Brgy. Sampaloc, San Rafael.

Sa report kay Bulacan Police director PCOL. Satur Ediong, kinilala ang mga sumukong mga rebelde na sina alyas Ka Lily, 80 at Ka Linda, 66.

Ayon sa report, sumuko ang dalawang rebelde nitong Marso 25 sa pamamagitan ng pinagsanib-pwersang Bulacan 2nd Provincial Mobile Force Company, Provincial Intelligence Team Bulacan East, Regional Intelligence Unit 3, 70th Infantry Battalion, San Jose Del Monte police at 301st Regional Mobile Force Battalion 3.

Sinasabing si Ka Lily ay dating medic ng mga rebelde sa taong 1995 hanggang 2000 habang si Ka Linda dating miyembro ng left-leaning organization at aktibong raliyista.

Nabatid na nagsuko ng isang homemade .38 caliber firearm si Ka Lily nang humarap ito sa mga pulis. Dick Mirasol III