Home METRO 2 lalaki patay sa lunod sa Tagkawayan, Quezon

2 lalaki patay sa lunod sa Tagkawayan, Quezon

123
0

MANILA, Philippines – Nasawi ang dalawang lalaki matapos itong malunod at mawala sa ilog sa Barangay Manato, Tagkawayan, Quezon noong Sabado ng umaga, Pebrero 1.

Ayon sa ulat, sakay ng bangka ang anim na magkakasama nang bumangga ito sa bakal ng ginagawang tulay.

Dahil sa lakas ng agos ng tubig ay tuluyang lumubog ang bangka saka tinangay ang mga sakay nito.

Nakaligtas ang apat na pasahero kabilang ang bangkero ngunit tinangay ang dalawa iba pa.

Nitong Lunes ng umaga, natagpuan ng mga rescuer ang bangkay ng dalawang lalaki. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here