Home NATIONWIDE Dela Rosa huling sakay ng chopper bago bumagsak sa Nueva Ecija

Dela Rosa huling sakay ng chopper bago bumagsak sa Nueva Ecija

MANILA, Philippines – Kinumpirma ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na siya ang huling sakay ng chopper bago ito bumagsak sa Barangay San Miguel, Guimba, Nueva Ecija nitong weekend.

Ani Dela Rosa, mag-isa na lamang ang babaeng piloto nang pabalik na ito matapos siyang ihatid at ang dalawang security aides sa Baguio City.

Dumalo kasi sa isang engagement ang senador sa Baguio at saka bumiyahe patungong Binmaley, Pangasinan.

Wala naman umanong napansin na anumang problema sa makina ang helicopter at maayos ang panahon nang mangyari ang insidente.

“Pinick-up nila ko doon sa Imus, Cavite. Hindi naman nagpatay ng makina doon. Umaandar naman ang makina. Saka very smooth man yung flight namin going to Baguio. Napaka-smooth at masaya kami doon sa flight. Wala akong naramdaman na anything na unusual.”

Personal na kilala ni Dela Rosa ang piloto at ang ama nito ay matalik niyang kaibigan.

Nitong Linggo ng gabi, Pebrero 2, ay bumisita sina Dela Rosa, dating Pangulong Rodrigo Duterte, at Senador Bong Go sa lamay ng nasawing piloto.

“It really breaks my heart kasi na-imagine ko kagabi nandoon ako sa wake niyakap yakap ko yung father atsaka mother ng piloto 25 yrs old very young, imagine ko rin kung how would I feel kapag yung anak ko rin na piloto na babae rin ay ganun ang mangyari sa anak ko di ko maimagine napakahirap, mahirap tanggapin,” dagdag ni Dela Rosa.

Nasawi ang piloto matapos bumagsak ang helicopter na pinapalipad nito sa Sitio Arimung-mong.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa insidente. RNT/JGC