Home NATIONWIDE Kanlaon nakapagtala ng 5 ash emissions, 16 quakes

Kanlaon nakapagtala ng 5 ash emissions, 16 quakes

MANILA, Philippines – Nakapagtala ng limang ash emission events ang Bulkang Kanlaon ng hanggang 125 minuto, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong Lunes, Pebrero 3.

Dagdag pa rito, nagkaroon din ng 16 volcano earthquakes kabilang ang limang volcanic tremors mula Linggo ng hatinggabi hanggang Lunes ng hatinggabi.

Nagbuga ang Bulkang Kanlaon ng 4,975 tonnes per day ng sulfur dioxide, maging ang voluminous 400-meter tall plume.

Nananatiling namamaga ang edifice ng bulkan.

Kasalukuyang nakataas ang Alert Level 3 sa Bulkang Kanlaon. RNT/JGC