Home METRO 2 lalaki swak sa paglabag sa ordinansa, timbog sa droga

2 lalaki swak sa paglabag sa ordinansa, timbog sa droga

113
0

MANILA, Philippines – IBINALIBAG sa selda ang dalawang lalaki matapos makuhanan ng shabu nang takbuhan ang mga pulis na mag-iisyu sa kanila ng tiket dahil sa paglabag sa ordinansa sa Caloocan City.

Alas-:15 ng madaling araw nang matiyempuhan ng mga operatiba ng Caloocan-PNP sa kahabaan ng Pla-pla St., Brgy 14 ang dalawang lalaki na nakilala lamang sa alyas na Miel, 26 at alyas Michael, 45, residente ng nasabi ring lungsod, at kapwa walang suot na damit habang pagalagala.

Iisyuhan sana ng tiket sa paglabag sa umiiral na ordinansa ay biglang kumaripas ng takbo ang mga suspek kayat hinabol sila ng mga pulis.

Nang makorner at kapkapan, nakumpiska ng mga pulis mula sa mga bulsa nito ang tig-isang plastic sachet na naglalaman ng nasa 7.6 gramo ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P51,680.

Dahil dito, pinosasan ng mga pulis ang mga suspek at sasampahan ng kasong kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here