Manila, Philippines – What do Aiko Melendez, Ara Mina and Abby Viduya have in common?
Bukod sa nagsisimula ang kanilang mga pangalan sa letrang “A” ay silang tatlo ang noon at ngayon sa buhay pag-ibig ng outgoing Parañaque City Councilor Jomari Yllana.
Si Aiko ay ang ex-wife ni Jomari with whom may isa silang anak na contract star ng Viva, si Andrei.
Si Ara ay ex-girlfriend ni Jomari who came after Aiko.
Of the three, si Abby ang first love ng aktor-pulitiko noong kasagsagan ng Guwapings.
In the end, sina Jomari at Abby rin ang nagkatuluyan bilang mag-asawa.
But there’s more to that common denominator.
All three–Aiko, Ara and Abby–are running for councilor in next year’s mid-term elections.
Reelectionist si Aiko mula sa ikalimang distrito ng Quezon City.
Nag-file din ng CoC si Ara mula sa 2nd district ng Pasig City.
Hindi ito ang unang beses ng pagsabak ni Ara sa local politics.
Tumakbo siya ngunit hindi pinalad manalo bilang councilor sa QC noon.
Si Abby bale ang replacement ni Jomari who’s serving his last term as Parañaque City 2nd district councilor.
As for Ara, being the wife of Dave Almarinez exposes her to public service.
Gayundin si Abby na nakagamayan na rin ang trabaho ni Jomari.
As regards Aiko, she has a spotless record bilang councilor who’s never been accused of being corrupt. Ronnie Carrasco III