Home NATIONWIDE 2 LPA sa silangan ng Mindanao namataan, isa posibleng papasok na sa...

2 LPA sa silangan ng Mindanao namataan, isa posibleng papasok na sa PAR

65
0

MANILA, Philippines – Dalawang low pressure area ang minomonitor sa silangan ng northeastern Mindanao na posibleng pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR).

Ang isa sa mga ito ay inaasahang papasok na sa boundary ng PAR ngayong Martes, Mayo 5, at ang isa ay posibleng mabuo bilang tropical depression.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), huling namataan ang mas malapit na LPA sa layong 1,085 kilometro silangan ng northeastern Mindanao.

“This low pressure area remains unlikely to develop into a tropical cyclone,” sinabi ni weather specialist Veronica Torres.

Dagdag pa, ito ay “unlikely to develop into a tropical depression within the next 24 hours.”

Sa kabila nito ay posibleng magdala ng mga pag-ulan ang weather system na ito sa mga susunod na araw.

“It may start bringing rain to parts of the Visayas and Mindanao as early as Thursday,” ayon kay Torres.

Samantala, ang ikalawang LPA ay huling namataan 2,585 kilometro silangan ng northeastern Mindanao.

Ito ay may mataas na tsansa na mabuo bilang tropical depression sa susunod na 24 na oras at inaasahang papasok sa PAR sa weekend.

“However, we do not expect this low pressure area to have a direct impact on the country in the next three to five days,” paliwanag pa ni Torres. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here