Home NATIONWIDE 2 lugar makararanas ng malaimpyernong damang-init

2 lugar makararanas ng malaimpyernong damang-init

MANILA, Philippines – Nagbabala ang weather bureau na mararanasan ang “danger level” heat index sa dalawang lugar sa bansa.

Ayon sa PAGASA, ang Dagupan City, Pangasinan (43°C) at CBSUA-Pili, Camarines Sur (42°C) ay makararanas ng mapanganib na damang-init sa Marso 25, na maaaring magdulot ng heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke.

Sa Metro Manila, posibleng umabot sa 38°C ang temperatura sa NAIA Pasay City, habang 36°C naman sa Science Garden, Quezon City. Ang heat index na 33°C hanggang 41°C ay nasa “extreme caution” level, kung saan maaaring magkaroon ng mga problema sa kalusugan.

Bagamat mas malamig umano ang 2025 dry season kumpara sa 2024, pinapayuhan pa rin ng PAGASA ang publiko na mag-ingat sa matinding init. Santi Celario