Home HOME BANNER STORY Tsina walang natanggap na asylum request kay Digong

Tsina walang natanggap na asylum request kay Digong

MANILA, Philippines – Pinabulaanan ng China ang mga ulat na humingi ng asylum si dating Pangulong Rodrigo Duterte at ang kanyang pamilya.

Ayon kay Guo Jiakun, tagapagsalita ng Chinese Foreign Ministry, pribadong bakasyon lamang ang pagbisita ni Duterte sa Hong Kong.

“Mr. Duterte’s visit to Hong Kong is a private holiday. China has never received an application from the so-called former President Duterte and his family to seek asylum from the Chinese government,” ani Guo Jiakun, Chinese Foreign Ministry spokesperson.

Dumalaw si Duterte sa Hong Kong noong Marso 7 para dumalo sa isang event para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs), kasabay ng pagpapalabas ng International Criminal Court (ICC) ng warrant of arrest laban sa kanya. S

iya ay inaresto pagdating sa Ninoy Aquino International Airport noong Marso 11. RNT