MANILA, Philippines – Posibleng umabot sa mapanganib na lebel ang heat index sa dalawang lugar sa Luzon ngayong Miyerkules, Marso 26.
Ayon sa PAGASA, inaasahan ang 47 degrees Celsius na heat index sa Dagupan City, Pangasinan, at 43 degrees Celsius sa San Ildefonso, Bulacan.
Maituturing na nasa “danger” classification ang heat index na mula 42 hanggang 51 degrees Celsius, na may mataas na banta ng heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke.
Sa Metro Manila, inaasahan ang 39 degrees Celsius na heat index sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Pasay City habang hanggang 38 degrees Celsius naman ang inaasahan sa Science Garden, Quezon City.
Ang heat index na mula 33 hanggang 41 degrees Celsius ay nasa ilalim ng “extreme caution” category kung saan posible rin ang heat cramps at heat exhaustion sa tuloy-tuloy na exposure sa araw. RNT/JGC