Home METRO 2 Malaysian nationals, arestado sa illegal IMSI catcher

2 Malaysian nationals, arestado sa illegal IMSI catcher

191
0

CEBU, Philippines – Arestado ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang Malaysian nationals sa Cebu City dahil sa illegal na pagkakaroon ng IMSI catcher.

Pinangunahan ng NBI-Central Visayas Regional Office ang joint operation katuwang ang Cybercrime Investigation and Coordination Center, Bureau of Immigration at iba pang ahensya.

Ikinasa ang operasyon matapos magpatulong ang Deputy Executive Director ng CICC kaugnay sa umano’y distribusyon at ilegal na transceivers ng mga dayuhan.

Kinilala ang dalawang arestadng Malaysian nationals na sina Chong Hong Yee at Kim Chui Tan sa isang hotel.

Nakuha sa kanila ang mga ilegal na transceivers at sniffing devices katulad ng IMSI o International Mobile Subscriber Identity catcher.

Kinumpirma ng Regional Cybersecurity Head ng DICT-7 at Cybercrime Investigator ng CICC na ang mga laptops, Raspberry Pis, antennas, at ilan pa na ‘cellular’ at ‘data sniffers’.

Isasailalim ang mga ito sa in-depth forensic examination upang matibay ang mga ebidesnyang nakuha habang inihahanda naman ang mga kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here