Home NATIONWIDE 2 most wanted na lolang ‘gastadora’ dinakma ng mga parak sa Bulacan

2 most wanted na lolang ‘gastadora’ dinakma ng mga parak sa Bulacan

250
0

Bulacan – Arestado ang dalawang Additional Most Wanted Persons sa bisa ng Warrant of Arrest (WOA) sa operasyon ng pulisya sa bayan ng Bulakan nitong hapon ng Nobyembre 24.

Sa ulat ni PLTCOL Rodelisa P. San Buenaventura, hepe ng Bulakan police station, naaresto ang mga akusado ng tracker team ng istasyon bandang 6:00 ng hapon sa Brgy. San Jose.

Ayon sa ulat, ang WOA sa kasong Malversation of Public Funds or Property ay inilabas ng RTC Branch 16, Malolos City na may inirekomendang piyansang P120,000 bawat isa.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng istasyon ang mga akusadong hindi pinangalanan para sa wastong dokumentasyon at kaukulang disposisyon.

Ang nasabing tagumpay ay patunay na determinasyon ng Bulacan Police Provincial Office sa pamumuno ni PCOL Angel Garcillano,sa pagpapatupad ng batas at pagtugis sa mga indibiduwal na may kinahaharap na kaso upang matiyak ang katahimikan at seguridad ng mamamayan sa lalawigang ito. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here