Home METRO 2 nakipaghabulan sa pulis sa Pasig, arestado; baril, granada, droga nasamsam

2 nakipaghabulan sa pulis sa Pasig, arestado; baril, granada, droga nasamsam

69
0

MANILA, Philippines – Naaresto ang dalawang suspek matapos makipag habulan sa pulisya sa kanto ng Brixton at Reliance Streets sa Barangay Kapitolyo, Pasig City.

Sinubukan umanong tumakas ang mga suspek ngunit bumangga ang kanilang motorsiklo sa isa pang rider, dahilan upang matumba sila at tuluyang maaresto.

Narekober sa kanila ang isang .45 caliber pistol, isang .22 caliber pistol (kapwa may tig-7 bala), humigit-kumulang 15 gramo ng hinihinalang shabu, at isang granada

Ayon sa pulisya, sangkot umano ang mga suspek sa serye ng nakawan sa Quezon City, San Juan, at Marikina.

Haharapin nila ang mga kasong, disobedience (Article 151, Revised Penal Code), reckless imprudence resulting in physical injuries at damage to property, paglabag sa RA 10591 (firearms law), RA 9516 (illegal possession of explosives), at RA 9165 (dangerous drugs law).

Pinuri naman ni Pasig CPS chief Col. Hendrix B. Mangaldan ang mabilis at koordinadong aksyon ng pulisya at barangay security force.

Tiniyak din niya na patuloy ang pagpapatupad ng batas upang mapanatili ang kaligtasan ng publiko sa ilalim ng Safer Cities Initiative. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here