Home METRO 2 nalunod sa ilog sa Quezon

2 nalunod sa ilog sa Quezon

MANILA, Philippines – Patay sa lunod ang dalawang lalaki na nag-picnic sa ilog sa Sierra Madre mountain ranges sa General Nakar, Quezon.

Ayon sa Quezon police, kasama nina “Ronald,” 32, at “Mark,” 34 na kapwa mga residente ng Quezon City, ang mga kaibigan nito para magpicnic sa Agos River sa Barangay Maigang nitong Linggo ng umaga, Hunyo 30.

Sa ulat, tinangay ng rumaragasang agos ng ilog ang dalawa habang naliligo.

Ang ilog ay tumatawid mula Sierra Madre patungong Pacific Ocean.

Nakita ang katawan ng dalawang biktima na lumulutang sa kabilang bahagi ng ilog bandang ala-1 ng hapon.

Idineklara ang dalawa na dead on arrival sa ospital sa Infanta.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang insidente at sa ngayon ay tinukoy bilang isang “drowning incident.” RNT/JGC