MANILA, Philippines – Dalawang rebeldeng New People’s Army (NPA) ang napatay, habang apat ang nahuli sa magkahiwalay na sagupaan sa pagitan ng militar at mga rebelde sa Butuan City at Surigao del Sur, ayon sa 4th Infantry Division (4ID) nitong Biyernes.
Nagsagupa ang 29th Infantry Battalion laban sa sampung NPA sa loob ng sampung minutong putukan sa Sitio Dinakpan, Barangay Los Angeles, Butuan City, noong Enero 28.
apatay ang dalawang rebelde, at nakumpiska ng militar ang isang AK-47 rifle, isang Bushmaster rifle, mga gamit medikal, at personal na kagamitan.
Sa parehong araw, dalawang beses nakipagbakbakan ang 3rd Special Forces Battalion sa mga rebelde sa Barangay Pong-on, San Agustin, Surigao del Sur.
Matapos ang unang engkwentro, nasamsam ang isang AK-47 rifle, tatlong backpack, at mga gamit medikal. Sa ikalawang sagupaan, apat na NPA ang nadakip.
Pinuri ni 4ID Commander Brig. Gen. Michele Anayron Jr. ang mga tropa sa matagumpay na operasyon at binigyang-diin ang kanilang layunin na tapusin ang matagal nang rebelyon sa Caraga.
Hinikayat niya ang natitirang mga rebelde na sumuko at samantalahin ang programa ng gobyerno para sa kanilang pagbabalik-loob. RNT