Sa ika-20 Kongreso, posible na may dalawang grupo ng oposisyon ang mabuo laban sa administrasyong Marcos, ayon sa mga eksperto.
Ang isa ay pabor kay Bise Presidente Sara Duterte, at isa naman ay binubuo ng mga kritiko ng dating Pangulong Rodrigo Duterte tulad nina Sen. Risa Hontiveros, Kiko Pangilinan, Bam Aquino, Leila De Lima, at Chel Diokno.
Ayon kay Prof. Jean Franco ng UP Political Science, mahalaga para sa grupo ni De Lima na manatiling independiyenteng oposisyon upang hindi makaugnay sa kampo ni Duterte.
Samantala, sinabi ni Prof. Aries Arugay, chairman ng UP Political Science, na maaaring ayaw makipagtulungan ng mga tagasuporta ni Duterte dahil sa hidwaan ng kampo ni Marcos at Duterte. RNT