Home NATIONWIDE 2 pang Mpox case naitala sa Iloilo CityNATIONWIDETOP STORIES 2 pang Mpox case naitala sa Iloilo CityJune 11, 2025 11:081890 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MANILA, Philippines – Dalawa pang bagong kaso ng Mpox ang naitala sa Iloilo City.Bunsod nito, umabot na sa anim ang kumpirmadong kaso at anim pa ang hinihintay ng resulta.Ayon sa City Health Office, gumaling na ang mga naunang pasyente habang ang mga bagong kaso ay nasa maayos na kalagayan at naka-isolate.Pinapayuhan ang publiko na umiwas sa mataong lugar, panatilihin ang kalinisan, at agad magpatingin kung may sintomas.Naipapasa ang mpox sa malapitang kontak, ngunit ito ay kayang iwasan sa pamamagitan ng wastong pag-iingat. RNT