Home METRO 2 Parak sa Caloocan, arestado sa ilegal bentahan ng baril

2 Parak sa Caloocan, arestado sa ilegal bentahan ng baril

1
0

MANILA, Philippines – Inaresto ang dalawang aktibong pulis na nakatalaga sa Caloocan City Police Station matapos umano silang magbenta ng mga baril sa isang undercover operative sa buy-bust operation nitong Huwebes ng madaling araw.

Nakuha sa operasyon ang dalawang PNP-issued 9mm pistols, isang .38-caliber revolver, isang 12-gauge shotgun, mga magasin at bala, marked buy-bust money, dalawang cellphone, at dalawang motorsiklo.

Ayon sa pulisya, isasailalim sa ballistic examination ang mga nakumpiskang baril upang malaman kung nagamit ang mga ito sa mga naunang pamamaril at matukoy ang pinagmulan ng mga armas.

Mahaharap ang dalawang pulis sa mga kasong paglabag sa Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, at sasampahan din sila ng administratibong kaso habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here