Home NATIONWIDE DMW Chief, nakipagpulong sa higit 200 OFW sa Romania

DMW Chief, nakipagpulong sa higit 200 OFW sa Romania

1
0

MANILA, Philippines – Nakipagpulong si Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo J. Cacdac sa mahigit 200 overseas Filipino workers (OFWs) sa VARD Shipyards Romania S.A. noong Agosto 4 upang kumustahin ang kanilang kalagayan at iparating ang pasasalamat ng administrasyong Marcos sa kanilang ambag.

Kabilang sa mga nakausap niya ang mga pipe fitter, steel fitter, at welder, na naglahad ng kanilang mga alalahanin tungkol sa trabaho at kapakanan.

Tiniyak ni Cacdac na tutugunan ang kanilang mga isyu sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Embassy sa Bucharest, OWWA, licensed Philippine recruitment agency, at VARD Shipyards Romania S.A.

Matapos ang pulong, ininspeksyon din ng delegasyon ang tirahan ng mga OFW at napag-alamang maayos ang kanilang mga pasilidad, may maaasahang Wi-Fi, maayos na air-conditioning, at malapit lamang sa kanilang pinagtatrabahuhan. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here