MASBATE, Philippines – Kinumpirma ng Philippine Coast Guard District Bicol (PCG-5) noong Huwebes na dalawang tao ang namatay at dalawa pa ang nawawala matapos bumangga ang isang motor banca sa dagat ng Aroroy, Masbate noong Miyerkules.
Ayon kay PCG Bicol commander Commodore Ivan Roldan, mula sa initial na tala, 34 pasahero at 8 crew members ang nailigtas. Dalawang tao ang nakumpirmang patay at dalawang iba pa ay posibleng natrap sa loob ng bangka ayon sa mga nakaligtas.
Iniulat ng isang residente ng Barangay Baga-uma ang insidente sa Coast Guard Sub-Station Aroroy, na sinasabing sanhi ng malalaking alon ang pagkabangga ng motor banca.
Batay sa paunang imbestigasyon, umalis ang motor banca nang walang clearance mula sa Philippine Coast Guard at nakatagpo ng masamang panahon habang nasa biyahe.
Inihayag din ni Roldan na pinalitan pansamantala ang sub-station commander ng Aroroy upang masiguro ang patas at masusing imbestigasyon sa insidente bilang bahagi ng formal maritime casualty investigation. RNT/MND