Home METRO 2 patay, 3 sugatan sa pananambang sa Leyte

2 patay, 3 sugatan sa pananambang sa Leyte

1
0

MANILA, Philippines – Dalawang katao ang nasawi habang tatlo ang sugatan matapos tambangan ng mga hindi pa nakikilalang salarin ang isang sasakyan sa Barangay Salvacion, Albuera, Leyte noong Hunyo 15.

Base sa ulat, patungo ang mga biktima sa poblacion nang pagbabarilin ng mga armado ang kanilang sinasakyang sasakyan.

Hindi pa matukoy ng mga awtoridad ang kalibre ng mga baril na ginamit sa insidente. Patuloy namang tinutugis ang mga salarin na agad na tumakas matapos ang pananambang.

Isinasagawa pa rin ang imbestigasyon upang matukoy ang motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng mga suspek.

Dinala sa ospital ang tatlong sugatang biktima at patuloy na nagpapagaling. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here