Home NATIONWIDE 4 maleta, idiniliber kay Escudero noong 2024 – ‘bagman’ ni Zaldy Co

4 maleta, idiniliber kay Escudero noong 2024 – ‘bagman’ ni Zaldy Co

1
0

MANILA, Philippines – Isang lalaking ipinakilalang dating bagman ng dating Ako Bicol Representative na si Zaldy Co ang nag-angkin nitong Martes na kabilang siya sa grupong naghatid ng apat na maleta na umano’y may lamang pera sa bahay ni Senate President Francis “Chiz” Escudero sa New Manila noong 2024.

Sa isang press conference na inorganisa nina abogado Levi Baligod at dating kongresista Mike Defensor, sinabi ng hindi pinangalang lalaki na sila ang nagsilbing advance team sa paghahatid ng mga maleta sa tahanan ni Escudero.

“Bali yung time na ’yan sir, kami sir yung advanced team sa pagdeliver sa bahay ni Chiz Escudero,” aniya.

Ayon kay Baligod, ang lalaki ay dating miyembro ng Marines na kalaunan ay nagtrabaho sa ilalim ni Co.

Inangkin din ng lalaki na pinatuloy sila sa bahay at pinakain ng mga kasambahay habang isinasagawa ang umano’y paghahatid. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here