(c) Quezon Chronos Online and Quezon Chronos PH FB Page
MANILA, Philippines – DALAWA ang naiulat na nasawi sa karambola ng apat na sasakyan, kabilang ang dalawang motorsiklo at dalawang truck, kahapon (April 7, 2026) sa Diversion Road, Barangay Sta. Catalina, Atimonan, Quezon.
Kinilala ang dalawang nasawi na sina alyas Gilbert at Nicmar na kapwa binawian ng buhay sa pinangyarihan ng insidente sanhi ng tinamong mga pinsala sa katawan.
Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng Atimonan Municipal Police Station, naganap ang insidente dakong alas-2:45 ng hapon habang ang apat na sasakyan na kinabibilangan ng dalawang motorsiklo (Kawasaki at Honda) at dalawang Isuzu truck (wing van at self-loader) ay pawang patungo sa Atimonan town proper.
Napag-alaman na aksidente umanong nawalan ng preno ang Isuzu truck wing van na minamaneho ng nakilala sa alyas Alter, na humantong sa pagsuyod nito sa dalawang motorsiklo at isang Isuzu truck, na ikinasawi ng dalawang katao na kapwa lulan ng motorsiklo./ Ellen Apostol