Home METRO 2 patay sa pamamaril sa bilyaran sa Pasay

2 patay sa pamamaril sa bilyaran sa Pasay

MANILA, Philippines – Patay ang dalawang lalaki sa pamamaril sa isang bilyaran sa Pasay City nitong madaling araw ng Huwebes, Hunyo 13.

Ayon sa Southern Police District (SPD), itinumba ng dalawang hindi pa tukoy na lalaki ang mga biktimang sina Jojit Carpe, 49, at Jerick Belga, 39, bandang 12:15 ng madaling araw sa loob ng bilyaran sa Saint James Street, Barangay 179 sa Maricaban.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, si Carpe, Belga at dalawa iba pang lalaki ay naglalaro ng bilyar nang dumating ang mga suspek at paulanan ng bala ng baril ang mga biktima.

Nadala pa si Carpe at Belga sa Pasay City General Hospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Naglunsad na ng manhunt sa ikaaaresto ng dalawang suspek. RNT/JGC