Home NATIONWIDE Batas sa paglikha ng Negros Island Region tintado na ni PBBM

Batas sa paglikha ng Negros Island Region tintado na ni PBBM

MANILA, Philippines – NILAGDAAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isang batas na lilikha sa Negros Island Region.

Sa Ilalim ng bagong batas, ang Negros Island Region ay bubuuin ng Negros Occidental, Bacolod City, Negros Oriental, at Siquijor.

Sa pagkakapasa sa bagong batas, lumalabas na 18 na ang rehiyon sa Pilipinas.

Layon ng batas na “to consolidate and coordinate efforts, services, and resources for purposes commonly beneficial to the Negrense constituents.”

Idagdag pa rito, mas magiging madali nang ipatupad ang ‘peace initiatives’ sa Negros Island sa Ilalim ng ‘one command.’

Isang technical working group ang itatatag para bumalangkas ng plano o roadmap upang ilagay sa ayos ang lahat ng institutional arrangements para sa Negros Island Region at maga-ayos para sa organizational development requirements at maging sa iba pang kinakailangang concerns para sa development planning.

Sa ulat, pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang panukalang batas na bubuo sa Negros Island Region (Senate Bill 2507).

Dalawampu’t dalawang senador ang pumabor, walang tutol at walang nag-abstain sa naging botohan para sa panukala.

Sa ilalim nito ay isinusulong na mahiwalay ang mga probinsya, siyudad, munisipalidad at mga barangay ng Negros Occidental, Negros Oriental at Siquijor mula sa Region 6 at Region 7.

Sa kasalukuyan kasi, kahit nasa iisang malaking isla ang Negros Occidental at Negros Oriental ay magkaiba naman ang nakakasakop na rehiyon dito.

Samantalang ang Siquijor ay malayo sa kapitolyo ng rehiyon sa Cebu.

Kaya naman para maresolba ang pagiging kumplikado ng set-up ng Negros Island ay ipinapanukalang pagsama-samahin sila sa isang hiwalay na rehiyon, ang Negros Island Region.

Una nang sinabi ng sponsor ng panukala na si Senate Committee on Local Government Chairman JV Ejercito, sa pamamagitan nito ay mas mailalapit ang gobyerno sa mga residente ng Negros at Siquijor.

Idinagdag rin ni Ejercito na magreresulta rin ito sa mas pinabuting peace and order sa Negros, kabilang  na ang mas maayos at maigting na paghuki sa mga illegal loggers at poachers sa isla. Kris Jose