Home METRO Delivery rider arestado sa mahigit P100K shabu

Delivery rider arestado sa mahigit P100K shabu

MANILA, Philippines – ARESTADO ang isang delivery rider makaraang makuhanan ng shabu sa pàg-iingat nito nang masita sa pagmamaneho nang walang suot na helmet.

Si alias Marc, 25 anyos na Lalamove rider, ay unang nilabàg ang Republic Act 10054 (Not Wearing the Standard Protective Motorcycle Helmet); bago natuklasang lumabag sa Section 11 of Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Dakong 5:50 hapon ng Hunyo 12, 2024 sa kanto ng Park Avenue at Ignacio Street sa Barangay 75, Pasay City nang dumaan sa checkpoint ng Officers mula sa Sub-station 3, si Marc na walang suot na helmet na paglabag sa traffic regulations.

Nang bibigyan ng Traffic Ordinance Violation Receipt (TOVR) si alias Marc, hindi na siya mapalagay at nagtangkang tumakbo pero maagap na nasakote ng mga pulis.

Bilang bahagi ng standard operating procedure, nagsagawa ang mga police officers ng search kaya nakita ang medium-sized heat-sealed transparent plastic na may 25 gramo ng shabu, na may halagang P170,204.00 kaya agad na inaresto ang suspek.

Sinàmsam ng mga pulis ang 25 gramo ng shabu at inilagay si alias Marc sa custody of Pasay City Police Station. Dave Baluyot