Home METRO 2 patay sa tama ng kidlat sa Cagayan

2 patay sa tama ng kidlat sa Cagayan

MANILA, Philippines – Patay ang dalawang lalaki habang sugatan ang kanilang kasamahan matapos tamaan ng kidlat sa Barangay Naddungan, Gattaran, Cagayan nitong Huwebes, Abril 25.

Kinilala ang mga nasawi na sina Dante Seguro, 77, at Rey Fabia, 66.

Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), ang mga biktima ay pauwi na ng bahay mula sa bundok nang mangyari ang isang thunderstorm.

Sumilong ang mga ito sa ilalim ng puno nang tamaan ng kidlat.

Nasawi sina Seguro at Fabia habang nagtamo ng pinsala sa katawan ang kanilang kasamahan. RNT/JGC