Home NATIONWIDE 2 PH ship hinarang ng China Coast Guard sa Scarborough – US...

2 PH ship hinarang ng China Coast Guard sa Scarborough – US expert

MANILA, Philippines – HINARANGAN ng dalawang China Coast Guard (CCG) vessels ang mga barko ng Pilipinas malapit sa Scarborough Shoal, araw ng Lunes.

Ayon kay Ray Powell, director ng SeaLight — isang programa ng Stanford University na Gordian Knot Center for National Security Innovation — humarang ang anim na Chinese maritime militia ships sa lugar na malapit sa CCG at Philippine vessels.

“Two Philippines Coast Guard (PCG) and one Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ships deployed 25 to 30 nm (nautical miles) east of Scarborough Shoal today,” ang sinabi ni Powell sa kanyang post sa X.

“BRP Bagacay and BRP Datu Pagbuaya have been intercepted by two China Coast Guard as a third and six maritime militia ships set up blocking positions,” aniya pa rin.

Sa kabilang dako, wala namang kumpirmasyon ang PCG sa report na ito.

Samantala, ang patuloy na agresyon ng Beijing ay base sa paggigiit nito sa soberanya sa halos kabuuan ng South China Sea, kabilang na ang karamihan sa West Philippine Sea, habang patuloy nitong binabasura ang 2016 arbitral ruling na epektibong magbabalewala sa pag-angkin nito at pagpapasya pabor sa Maynila. Kris Jose