Home NATIONWIDE 2 Pinoy kabilang sa nasawi sa Honolulu fireworks blast

2 Pinoy kabilang sa nasawi sa Honolulu fireworks blast

UNITED STATES – Kabilang ang dalawang Filipino sa tatlong nasawi sa fireworks explosion sa Honolulu, Hawaii sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Kabilang sa mga nasawi sina Carmelita Turalva Benigno at Nelly Turalva Ibarra.

Ayon sa pamangkin ng biktima, nagtamo rin ng sunog sa katawan ang dalawang anak ni Carmelita, pamangkin at tatlong taong gulang nitong apo.

Ang pagsabog ay sanhi ng firework na inilarawan ng mga awtoridad bilang isang “cake” o cluster ng mga tube na naglalaman ng hanggang 50 aerial rockets.

Ikinokonsidera ang trahedya bilang ‘worst fireworks-related incident’ sa Hawaii sa nakalipas na 14 taon.

Sa ulat, mahigit 30 katao ang nasaktan sa nangyaring pagsabog.

Umaapela naman ng tulong ang pamilya ng mga biktima.

Sa panayam ng GMA News, sinabi ng Philippine Consulate sa Honolulu na nakikipag-ugnayan na ito sa Honolulu Police upang matukoy kung may iba pang mga Filipino ang apektado sa insidente.

“The Philippine Consulate General in Honolulu has been monitoring the situation since the firecracker incident in Honolulu’s Salt Lake neighborhood occurred,” ayon sa konsulado.

“We are coordinating with the Honolulu Police Department (HPD) to determine if any Filipino nationals have been affected in the incident. HPD informed the Consulate that, since the case is still under investigation, information cannot be disclosed on the identities of the victims,” dagdag pa.

“To date, the Consulate has not received reports of Filipinos who died or were injured in the incident, nor have we received requests for assistance from affected Filipinos.” RNT/JGC