MANILA, Philippines – Humihingi ng tulong sa pamahalaan ng Pilipinas ang pamilya ni Dafnie Nacalaban, overseas Filipino worker na pinatay sa Kuwait, para makamit ang hustisya sa kanilang kapamilya.
Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), si Nacalaban, 35 anyos, ay iniulat na nawawala noong Oktubre at nadiskubre ang nabubulok na nitong bangkay noong Disyembre 31 sa tulong ng impormasyon na ibinahagi ng kapatid ng hinihinalang killer.
Naaresto na ng Kuwit ang suspek na sa kasalukuyan ay hindi pa rin pinapangalanan.
Naghain na ng repatriation request ang mga kapatid ni Dafnie para maiuwi sa bansa ang mga labi nito. RNT/JGC