Home NATIONWIDE 2 PMA cadets guilty sa ‘slight physical injuries’ sa pagkamatay ni Darwin...

2 PMA cadets guilty sa ‘slight physical injuries’ sa pagkamatay ni Darwin Dormitorio

MANILA, Philippines – Guilty ang dalawang kadete ng Philippine Military Academy (PMA) ng slight physical injuries sa pagkamatay ni Cadet 4th Class Darwin Dormitorio noong 2019.

Ayon sa korte sa Baguio, sinentensyahan ng hanggang 30 araw na pagkakulong sina PMA cadets Julius Carlo Tadena at Christian Zacarias, habang napawalang-sala naman sa reckless imprudence resulting in homicide ang tatlong doktor.

Si Tadena at ang dalawa iba pang kadete ay nahaharap sa hazing charges, habang ang mga doktor ay may pending pa ring kasong administratibo.

Matatandaan na nasawi si Dormitorio noong Setyembre 2019 makaraang bugbugin umano ng mga upperclassmen nito.

Dalawang beses na naospital ang kadete sa loob ng isang buwan, hanggang sa mamatay ito.

Nakitaan ng pinsala sa bituka si Dormitorio na senyales umano ng hazing.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumitaw din na kinuryente ang biktima gamit ang improvised stun gun. RNT/JGC