Home NATIONWIDE 3M Pinoy pinerwisyo ni Egay, habagat

3M Pinoy pinerwisyo ni Egay, habagat

MANILA, Philippines – Mahigit 800,000 pamilya o 3,028,040 indibidwal ang apektado ng sama ng panahon dulot ng bagyong Egay at southwest monsoon o habagat, iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Biyernes, Agosto 4.

Sa pinakahuling situation report, sinabi ng NDRRMC na sa tatlong milyong residenteng apektado, 57,000 ang tumutuloy sa mga evacuation centers.

Mahigit 1.1 milyon ng mga naapektuhan ay mula sa Central Luzon, sinundan ng 918,000 katao mula Ilocos region.

Ang dalawang rehiyon ding ito ang may pinakamaraming tumutuloy sa mga temporary shelter matapos mapinsala ang tirahan ng mga ito.

Samantala, sinabi rin ng NDRRMC na 29 katao na ang nasawi dahil sa bagyong Egay at habagat bagama’t dalawa pa lamang ang kumpirmado. RNT/JGC