Home NATIONWIDE Vietnam suportado si PBBM sa food security

Vietnam suportado si PBBM sa food security

MANILA, Philippines – Nangako ng suporta ang Vietnam sa prayoridad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa food security, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Biyernes, Agosto 4.

Ang commitment na ito ay ginawa ng Vietnam sa two-day official visit ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo sa Hanoi mula Agosto 1 hanggang Agosto 2.

Anang ahensya, ang pagbisita ni Manalo sa nasabing bansa ay nagbigay ng pagkakataon na mapalakas pa ang kooperasyon ng Pilipinas at Vietnam sa digital economy, renewables at food security.

“[V]ietnam reiterated its existing support to the Philippines and pledged to continue working with the Philippines to enhance trade and investments between the two countries, and will continue to support President Marcos’ priority on food security,” sinabi ng DFA.

Noong 2022, umangkat ang Pilipinas ng 3.218 milyon metriko tonelada ng bigas mula sa Vietnam.

Ang suporta ng Vietnam ay kasunod ng pag-anunsyo ng Hanoi ng plano nitong bawasan ang rice exports ng 4 milyong tonelada kada taon pagsapit ng 2030.

Sa kaparehong pagbisita, sinabi rin ni Vietnam Prime Minister Pham Minh Chinh ang pangako ng Hanoi na maabot ang target na USD10 bilyon na kalakalan sa pagitan ng dalawang bansa.

Ang kalakalan ng Pilipinas at Vietnam noong nakaraang taon ay umabot ng USD7.8 bilyon.

Sa 10th Philippines-Vietnam Joint Commission on Bilateral Cooperation, kinilala nina Manalo at counterpart nitong si Foreign Minister Bui Thanh Son ang commitment ng dalawang bansa na palakasin ang seven-year-old strategic partnership.

Ayon sa DFA, pinatunayan lamang nito ang maigting na relasyon ng Pilipinas at Vietnam lalo na sa political, defense at security, economic, maritime cooperation at socio-cultural cooperation.

“The visit of the Secretary highlighted the positive thrust towards a more robust and more comprehensive relationship between the Philippines and Vietnam, the sole Strategic Partner of the Philippines in the ASEAN region,” sinabi pa ng kagawaran. RNT/JGC

Previous article3M Pinoy pinerwisyo ni Egay, habagat
Next articleP10B confidential, intelligence fund sa 2024 budget kinuwestiyon

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here