Home METRO 2 rider dedo sa banggaan ng motorsiklo sa Ilocos

2 rider dedo sa banggaan ng motorsiklo sa Ilocos

MANILA, Philippines – Nasawi ang dalawang rider matapos magbanggaan ang minamaneho nilang mga motorsiklo sa Sinait, Ilocos Sur.

Sa ulat nitong Biyernes, Setyembre 20, nag-overtake umano ang isa sa mga motorsiklo saka bumangga sa kasalubong na isa pang motorsiklo sa national highway.

Dahil sa lakas ng banggaan ay tumilapon ang isang rider.

Bagamat parehong nakasuot ng helmet ay parehong nasawi ang dalawang rider na edad 24 at 31 dahil sa tindi ng tinamong pinsala sa katawan.

“Mag-ingat po tayo, lalong lalo na ngayong tag-ulan. Huwag po tayo masyadong magpabilis ng takbo. Mas maganda na lang na ma-late tayo o makarating tayo sa pamilya natin na di tayo nadidisgrasya,” pahayag ni Police Captain Bryan Romeo Lopez, Officer-in-Charge ng Sinait Police Station, sa panayam ng GMA News. RNT/JGC