MANILA, Philippines – Nadakip ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Parañaque City police ang tinaguriang top 6 most wanted person (MWP) sa Parañaque City Biyernes ng umaga, Setyembre 20.
Kinilala ni Parañaque City police officer-in-charge P/Col. Melvin Montante ang inarestong suspect na si alyas Junbert, 26, construction worker, top 6 MWP sa district level.
Base sa report ni Montante na isinumite kay Southern Police District (SPD) director P/Brig. Gen. Leon Victor Rosete, naganap ang pagdakip kay alyas Junbert dakong alas 4:50 ng umaga sa Barangay Sampaloc 2, Dasmariñas, Cavite.
Ayon kay Rosete, nadakip ng mga tauhan ng WSS si alyas Junbert sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong Agosto 6, 2024 ni Parañaque City Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Marie Grace Javier Ibay ng Branch 194.
Si alyas Junbert ay inaresto upang maipatupad ang kanyang sentensya na may kaugnayan sa kanyang kasong rape (RPC Art. 266 Paragraph 2) na mayroon Criminal Case No. 2017-0410. James I. Catapusan