Home METRO 2 Singaporean, Pinoy arestado sa iligal na mga armas

2 Singaporean, Pinoy arestado sa iligal na mga armas

MANILA, Philippines – Arestado ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang dalawang Singaporean at isang Pilipino sa isang buy-bust operation sa Valenzuela City dahil sa ilegal na pagdadala ng mga baril.

Nakuha sa mga suspek ang 10 baril na walang lisensya, isang airsoft replica, maraming bala, at magazine.

Kabilang sa mga nakumpiska ang M-15 rifle, Garand M2 carbine, MK-9 submachine gun, at iba’t ibang uri ng pistola.

Iniimbestigahan din ang posibleng pagkakasangkot ng grupo sa gun-running sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.

Kinasuhan na sila sa ilalim ng RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. RNT