Home NATIONWIDE 2 spillway gate ng Magat dam, binuksan

2 spillway gate ng Magat dam, binuksan

142
0

RAMON, Isabela – Dalawang spillway gate ang binuksan sa patuloy na pagpapakawala ng NIA-MARIIS ng tubig mula sa Magat Dam dahil sa pagtaas ng water elevation ng nasabing dam.

Ayon kay Engr. Gileu Michael O. Dimoloy, Department Manager A ng National Irrigation Administration -Magat River Integrated Irrigation System o NIA-MARIIS ay mula sa isang spillway gate na binuksan kahapon ng umaga na may isang metrong opening ay nagbukas sila ng isa pang gate na may tatlong metrong opening.

Kung saan ay kinailangan nilang magdagdag sa ipapakawalang tubig dahil sa pagtaas ng inflow sa nasabing dam.

Umabot sa 631.73 cubic meters per second ang average inflow sa dam at kaninang alas-singko ng umaga ay nasa 189.68 meters above sea level na ang water elevation nito.

Ilang bayan sa lalawigan ng Isabela ang nakaranas sa pag-ulan at ang mga karatig na lugar sa probinsya ng Ifugao, Mt. Province at Nueva Vizcaya nakakasakop sa bahagi ng Magat Water Shed.

Sinabi pa ni Engr. Dimoloy ay patuloy ang ginagawa nilang monitoring sa lagay ng panahon dahil iniiiwasan nilang maabot ang normal high level na 193 meters above sea level.

Target naman nilang ibaba sa 185-186 meters above sea level ang kanilang water elevation upang mapaghandaan nila ang mga pag-ulang mararanasan sa Magat watershed.

Kaugnay nito, pinag-iingat ang publiko lalo ang mga naninirahan sa low lying areas at malapit sa ilog sa banta ng mga pagbaha. Rey Velasco

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here