Home METRO 2 sugatan, 11 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa Taguig

2 sugatan, 11 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa Taguig

MANILA – Isang sunog ang sumiklab sa Hagonoy, Taguig City residential area nitong Miyerkules ng gabi na umabot sa unang alarma bandang alas-siyete.

Idineklara naman itong fireout ng Bureau of Fire Protection bandang alas-7:44 ng gabi.

Dalawang bahay ang tinupok ng apoy kung saan naiulat na 11 pamilya ang naapektuhan habang dalawang residente ang sugatan.

Ayon kay Fire Marshall Superintendent Melchor Isidro, gawa sa pinaghalong semento at kahoy ang mga apektadong bahay. 

Isang 21-anyos na babae ang nagtamo ng first-degree burn sa kanyang kanang braso, habang ang isang 58-year-old ay nagtamo ng first-degree na paso sa kanyang likod at upper extremities. 

Patuloy ang imbestigasyonupang matukoy ang sanhi ng sunog at tinatasa ang kabuuang tinatayang pinsala. RNT