Home METRO 2 sugatan sa bumulusok na Cessna plane

2 sugatan sa bumulusok na Cessna plane

MANILA, Philippines- Bumagsak ang isang Cessna 172 aircraft sa katubigan ng bayan ng San Fernando sa lalawigan ng La Union nitong Martes, na nagresulta sa pagtatamo ng sugat ng dalawa nitong pasahero.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), agad na tumawag ang aircraft sa San Fernando Tower sa San Fernando Airport at nagdeklara ng emergency pagkalipad dakong alas-8:23 ng umaga.

Bumulusok ang nasabing aircraft sa katubigan.

“Two passengers on board were rescued with reported minor injuries and were rushed to the hospital,” abiso ng CAAP.

Ayon sa CAAP, tinutukoy pa ng aircraft accident investigators ang dahilan ng insidente. RNT/SA