MANILA, Philippines – Naaresto ng mga awtoridad sa Boracay ang dalawang suspek sa kidnap-slay case ng Chinese businessman na si Anson Que.
Ang mga suspek, na mga dayuhan, ay naaresto ng tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group, ayonk kay Police Lieutenant General Edgar Okubo, pinuno ng special investigation task group na nag-iimbestiga sa kaso.
Matatandaan na si Que at ang drayber niyang si Armanie Pabillo ay dinukot noong Marso 29 at ang kanilang mga bangkay ay natagpuan sa gilid ng kalsada sa Rodriguez, Rizal noong Abril 9.
Ayon sa mga awtoridad, pinatay pa rin si Que sa kabila ng ibinigay na P200 milyong ransom.
Sasailalim sa debriefing ang mga suspek kasama ang Anti-Kidnapping Group.
I-eendorso naman sila sa Bureau of Immigration para i-inquest bilang undesirable aliens. RNT/JGC