MANILA, Philippines – Rumesponde si dating senador Leila de Lima sa pahayag ni Vice President Sara Duterte na nais niyang makakita ng “bloodbath” sa paparating na impeachment trial.
Sinabi ni De Lima, na inaasahang makakakuha ng pwesto sa Kamara bilang first nominee ng Mamamayang Liberal (ML) Partylist, ay sinabing dapat ikonsidera ni Duterte ang kanyang papalapit na impeachment trial bilang isang “serious affair.”
“D’yan naman sila magaling eh: braggadocio, mindless arrogance, toxic rhetoric, violence,” pahayag ni De Lima.
“In an impeachment trial, the only one who is on trial is the person impeached. So there can be no bloodbath. If any blood is spilled, it can only be that of the person impeached, not the prosecutors’, not the senators-judges’, not the administration’s, not the people’s,” dagdag pa niya.
“We will make sure of that.”
Siniguro din niya na ang impeachment proceedings ay gagawin nang patas, nasa legal na pamamaraan, at walang drama.
“VP Sara is always welcome to witness how her trial will be a serious affair where her rights are respected and the proceedings fair, devoid of the drama and chaos that she is asking her defense team to orchestrate,” ani De Lima.
“To stress, an impeachment trial is not a show of brute force but a sacrosanct constitutional process of accountability. No room for chaos, drama, and theatrics that Sara asked her defense team to orchestrate. Contempt ang naghihintay sa kanila if they even dare to.”
Kinumpirma na nina De Lima at Chel Diokno ng Akbayan na lalahok sila sa 11-man prosecution team ng Kamara sa impeachment trial ni Duterte.
Matatandaan na sinabi ni Duterte na nais niyang mangyari ang impeachment proceedings dahil gusto niya ng “bloodbath.”
“As lawyers, alam naman natin ang galawan ng mga abugado. Marami silang paraan sa batas as a legal recourse for their clients. Pero sinabihan ko na rin talaga sila, really, I truly want a trial because I want a bloodbath talaga,” ani Duterte.
Dagdag pa, hindi na rin umano nagulat ang Bise Presidente sa pagkakasama ni De Lim at Diokno sa prosecution team.
“Well, understandable kay Leila de Lima and Chel Diokno. They have been very vocal anti-Duterte since birth. In fact, wala pa sa mapa si Dating Pangulong Rodrigo Duterte to become president ay anti-Duterte na talaga si Sec. De Lima.” RNT/JGC