Home NATIONWIDE 2 suspek sa pagkamatay ng barangay secretary sa Dumanjug, Cebu arestado

2 suspek sa pagkamatay ng barangay secretary sa Dumanjug, Cebu arestado

MANILA, Philippines – Laglag sa mga awtoridad ang dalawang suspek sa pamamaril-patay sa isang barangay secretary sa Dumanjug, south Cebu.

Ang mga suspek ay naaresto noong Hunyo 27 sa umano’y pamamaril kay Celsa Regidor Redondo, Barangay Tubod Dugoan secretary.

Si Redondo ay natagpuang patay sa loob ng kanyang silid na nakasubsob sa sahig.

Nagtamo ito ng tama ng bala ng baril sa kanyang ulo at tiyan.

Itinuro ng mga saksi ang dalawang suspek na nasa likod ng krimen.

Naaresto ang dalawa sa operasyon ng mga awtoridad sa follow-up operation.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo sa krimen, bagama’t mayroong malakas na posibilidad na ang babae ay biktima ng mistaken identity. RNT/JGC