MANILA, Philippines – Tiklo ang isang hinihinalang drug personality nang maaktuhan naglalaro ng iligal na sugal kasama ng isang lalaki sa Valenzuela City.
Nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 (Illegal Gambling Law) at R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 si alyas “Rey”, nasa hustong gulang.
Sa ulat ni P/MSgt. Carlito Nerit Jr. kay Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento, alas-6:40 ng gabi, nagsasagawa ng anti-criminality operation ang mga tauhan ng Police Sub-Station 6 sa D. Santiago St., Brgy., Malanday nang maaktuhan nila ang dalawang indibidwal na nagsusugal umano ng ‘cara y cruz’.
Nasamsam sa kanila ang bet money, gamling parapernalya at isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nakuha umano kay alyas Rey. Merly Duero