Home METRO 2 tirador ng cellphone nadakma ng mga parak sa SJDM

2 tirador ng cellphone nadakma ng mga parak sa SJDM

Bulacan – Arestado ang dalawang lalaking nanutok ng patalim at sapilitang kumuha ng cellphone ng binatang naglalakad sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM).

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Jun Jun Bautista, 41, residente ng Brgy. Citrus at Jeffrey Ollero, 51, ng Brgy. Sta. Cruz.

Sa report kay Bulacan Police director PCOL Relly Arnedo ng SJDM police station, nangyari ang insidente bandang 10:45 ng gabi nitong Marso 5 sa EVR road, Brgy. BBII.

Ayon sa imbestigasyon, naglalakad ang biktimang nagngangalang Niel, 21 nang biglang sumulpot ang dalawang armado sa kanyang harapan, nagdeklara ng holdap at kinuha ang kanyang cellphone.

Dahil dito, mabilis na tumakas ang mga suspek habang mabilis na humingi ng saklolo sa pulis ng PCP 4 ang biktima na agad magsagawa ng follow up operation kaya nahuli ang mga ito.

Nabawi sa operasyon ang nakuhang Redmi 7A na nagkakahalagang P5,000 sa mga suspek na nahaharap sa kasong Robbery habang nakakulong sa naturang istasyon. Dick Mirasol III

Previous articlePBBM sa ASEAN, Australia: Manindigan nang may respeto sa pagpapatupad sa rules-based international order
Next articlePilipinas magpoprotesta sa pinakahuling pagbangga, pambobomba ng water cannon ng China sa WPS